ITATAYONG TOWER SA KYUSI, MAGIGING BROADCAST CENTER NG BANSA

ITATAYONG TOWER SA KYUSI, MAGIGING BROADCAST CENTER NG BANSA

The Philippine Diamond Tower

IPINAGKALOOB na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon ang basbas ng pagtatayo ng maituturing na ikatlo sa pinakamataas na tower sa buong mundo na may 200 palapag na ang taas ay nasa 612 metrong tower.

 

“Matapos maitayo ang tower ay maituturing na itong pangatlo sa pinakamataas na tower sa buong mundo kasunod ng Burj Khalifa ng Dubai na nasa 828-meter at Tokyo Skytree ng Japan na 634-meter ang taas. Tiyak rin na dadagsa ang turista at investor sa Quezon City na lilikha ng trabaho at magandang pagnenegosyo. Isa hanggang 3 milyon ang posibleng magiging bisita kada taon… milyong dolyar ang papasok na kita sa lokal na pamahalaan dahil sa mga meeting, convention at exhibition na gaganapin sa tower, ayon kay Senior Adviser to the Mayor Dr. Victor Endriga.

 

 Ipinakikita ang larawan sa Media  ni Doctor Victor Endriga, Senior Adviser to the Mayor ang planong itatayong pangatlong pinakamataas na gusali sa mundo, ang Philippine Diamond Tower na 200 palapag na sisimula sa darating na Oktubre 12, 2014 sa Quezon City (Kuha ni Mon Estabaya)

Ipinakikita ang Larawan sa Media ni Doctor Victor Endriga, Senior Adviser to the Mayor ang pangatlong pinakamataas na gusali sa Mundo ang Philippine Diamond Tower na 200 palapag na itatayo nitong October 2014 sa Quezon City (Kuha ni Mon Estabaya)

Magkatuwang naman ang Department of Science and Technology (DOST), National Telecommunications Commission (NTC) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagbuo ng gagawing ‘broadcast hub’, transmitter center na aabot hanggang lalawigan ng Nueva Ecija, Olongapo City ng Zambales, Polillio Island ng Quezon at Batangas.
Ang halos 15 Bilyong Pisong pautang ng Japan International Cooperation Agency sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA) ay huhulugan ng apat na pung taon (40 years) na may 1% interest kada taon, ngunit sisimulang bayaran pagkalipas ng sampung taon (10 years).

 

Nagpahayag naman ng pagpayag ang tatlong malalaking TV network na kinabibilangan ng GMA Network Inc. (Channels 7 and 11), ABS-CBN Broadcasting Corp. (Channels 2 and 23) and Associated Broadcasting Corp. (Channel 5).
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 taon ng pagkakalikha ng nasabing lungsod ay magsasagawa ng “groundbreaking ceremony” ng itatayong Philippine Diamond Tower sa darating na Oktubre 12 na matatagpuan sa kanto ng Quezon Avenue at Epifanio Delos Santos Avenue.

 

Ang nasabing Philippine Diamond Tower ay inaasahang matapos sa taong 2016 na magsisilbing Broadcasting Center, Wireless Telecommunication Center (telecom backbone), Network Operations Center, Emergency Wireless Transmission, at Disaster Alert Broadcasts.

 

Ang ibang palapag ng tower ay gagawing observation deck, revolving restaurant, souvenir shops, viewing areas at exhibition spaces upang humimok ng mga turista at investor sa bansa.

 

Isang Memorandum of Agreement ang gagawin sa pagitan ng Quezon City Government at National Housing Authority kaugnay sa pagtatayuan ng magsisilbing broadcasting center ng bansa samantala ang Mitsubishi Electric Company naman ang gagawa ng terms of reference para sa gagawing pagpapaunlad ng nasabing lupa na pagmamay-ari ng National Housing Authority, dagdag ni Endriga.

 

Sa mensaheng ipinadala ni Mayor Herbert M. Bautista kay Rio Araja ng Manila Standard at Pangulo ng Quezon City Press Club, “It is the Quezon City government’s wish that the Philippines will have a reliable durable facility for disaster risk communications. We also want the country to be better prepared for the shift from analog to digital technology, using Japan’s standard.”

 

Matatandaan na sa loob ng halos apat na dekada ay ginamit ng Manila Seedling Bank Foundation, Inc. ang pitong ektaryang lupain ng National Housing Authority bunsod ng Proclamation No. 1670 noong September 19, 1977 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

 

Noong Hulyo 2012, kinumpiska ng lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon ang lugar na kinatitirikan at pinamamahalaan ng Manila Seedling dahil sa hindi pagbabayad ng amilyar mula taong 2001-2011 na umabot sa halagang higit sa limampu’t pitong milyong piso (P57.208 million). (Cathy Cruz)

 

 

 

Post Written by
a Broadcast Journalist by profession. Currently Field Reporter of Lingkod Bayan of Tony Falcon in Crusaders Broadcasting Service-DWAD 1098 kHz AM Band every Monday to Friday at 1:00 to 2:00 P.M. and Co-Host of Professor Butch Valdes of “Ang Ating Katipunan” in RMN-DZXL 558 kHz AM Band during Sundays 8:00 to 9:00 P.M. Engaged with various community organizations that provides assistance to less fortunate/privilege Filipinos. Have been in government service for twenty (20) years and technically knowledgable of government processes/procedures and internal policies as public servant. As media practitioner, aims to be the conduit of the government to reach the grass root particularly the services and programs of the government provided for the public, vice versa to be the voice of ordinary people to the government. At your service is one of the granddaughters of the late Alberto Segismundo Cruz who is a Filipino poet, short story writer and novelist who wrote for Bulaklak, Liwayway, Silahis, Tagumpay (the country’s leading weekly magazines during his time. A poet laureate of the Republic of the Philippines in 1945 and won Commonwealth literary awards in th E1940’s and the Rizal Centennial Literary Awards in 1961. My grandfather Segismundo Cruz is one of the best 50 writers of the country. Three novels have been published by Ateneo De Manila Press entitled Piling Nobela: Lakandula, Halimuyak, Ang Bungo. This website created by the Publisher to provide genuine information that people must know and, to increase the awareness of Filipinos more of economic issues of the country. Inculcate to countrymen what must be done by the government and what must we do as citizen to attain outstanding living condition.

No Comments

Leave A Reply